Showbiz News

WATCH: First solo mall show ni Maine Mendoza, dinagsa ng libo-libong fans!

By BEA RODRIGUEZ

Inabangan ng libo-libong mga taga-suporta ni Eat Bulaga sweetheart Maine Mendoza ang kanyang kauna-unahang solo mall show sa SM City Novaliches noong Sabado (December 10).


Sinalubong ng tili at hiyawan ang Dubsmash Queen pagdating niya sa mall para sa Pamaskong Handog Para sa Global Pinoys ng BDO. Natuwa ang dalaga sa mga dumagsa sa event, “First time ko itong gawin [kaya] maraming salamat po inyong lahat.”

WATCH: Maine Mendoza’s new endorsement trends on Twitter 

Sa 10-minute appearance ng aktres, naghandog siya ng dalawang dance number at namigay ng mga regalo sa audience.


In-update din niya ang kanyang mga fans tungkol sa restaurant opening ng kanyang love team partner na si Pambansang Bae Alden Richards.

EXCLUSIVE: Alden Ricahrds reveals reason why he is aggressive in investing his hard earned money 

Naninibago pa rin ang TV host sa mainit na pagtanggap sa kanya, lalong-lalo na sa kanyang first-ever solo mall show.

Panoorin ang kabuuang show ng multi-talented actress sa video na in-upload ng AlDub Nation.