Showbiz News

WATCH: Camille Prats, bakit muntik masampal ni Angelica Panganiban?

By BEA RODRIGUEZ

Malapit na kaibigan ni Mars Camille Prats ang kanyang Sarah… Ang Munting Prinsesa co-star na si Angelica Panganiban mula noong mga child stars pa sila.
 
Madalas daw mag-asaran ang dalawa at ang pinakaayaw na ginagawa ni Angelica sa TV host ay ang hinahawakan ang kanyang kili-kili.
 
“I hate it! As in, sobra,” tugon ng aktres. Naalala pa ni Camille na minsan niya rin itong ginawa sa kanyang kababata.
 
“Muntik akong masampal [pero] buti na lang nakailag ako. Nakita ko siya sa mall [na] naka-sleeveless siya. [Ginawa ko sa kanya at] pag-ikot niya, na-realize niya kung sino [kaya] tinuluyan niya, Mars,” patawang kuwento ni Camille sa kanyang Mars co-host na si Suzi Abrera at sa kanilang guests na sina Sanya Lopez at Rocco Nacino.
 
“Nakaganti ako kasi hate ko siya. Ayaw kong hinahawakan sa kili-kili [or] anything [na ginagawa sa] kili-kili. Basta nagspa-spark siya ng buwisit sa akin,” pagtatapos niya.
 
Pinayuhan siya ni Encantadia star Sanya Lopez na huwag lumapit sa ka-love team nitong si Rocco Nacino dahil laging inaasar ng Kapuso hunk ang kanyang kili-kili.

 




MORE ON CAMILLE PRATS:
 
WATCH: Camille Prats, tinampal-tampal ng sales lady!
 
WATCH: Camille Prats gets pranked by son Nathan
 
WATCH: Camille Prats, nakatanggap ng naughty bridal gifts mula sa GMA executives?