Showbiz News

WATCH: Ilang Kapuso stars, nakisaya sa grand float parade sa Sinulog

By CHERRY SUN

Hindi magkamayaw ang mga tao sa Cebu sa kanilang pagpapakita ng suporta at tuwa para sa ilang Kapuso stars na nakisaya sa grand float parade sa Sinulog.

Mapapanood sa ulat ng 24 Oras, na naki-street dance ang AlDub love team na sina Alden Richards at Maine Mendoza.

Ani Alden, "Ako kasi I’ve been here a lot of times pero syempre ‘yung excitement nandoon pa rin. Nakaka-excite kasi si Ms. Maine first time niya mag-Sinulog.”

“First time ko, and syempre excited ako sa ano pa mangyayari,” dugtong naman ni Maine.

Matapos makipagsayawan, sumakay ng float ang mga bida ng upcoming GMA primetime series na Destined To Be Yours. Kasama rin nila ang mga bida ng Meant To Be na sina Ken Chan, Ivan Dorschner, Jak Roberto, Addy Raj at Mika dela Cruz.

Tinilian din sa parada ang bagong love team na tampok sa My Love From The Star na sina Jennylyn Mercado at Gil Cuerva.

Pahayag ng Ultimate Star, “Masaya. Masaya, and first time namin dalawa magkasama dito sa Sinulog so excited kami.”

Kuwento naman ni Gil, “Actually, first time ko mag-Sinulog eh. First Sinulog experience ko ‘to so masayang-masaya. Grabe ‘yung suporta ng mga fans.”

Kinagabihan ay dumalo rin ang Meant To Be cast kasama si Barbie Forteza sa Sinulog Kapuso mall show.

 

MORE ON KAPUSO STARS:

WATCH: Alden Richards and Maine Mendoza's kulitan dance in Sinulog

Gil Cuerva on being a Kapuso contract star: "I know I'm in good hands with GMA"

EXCLUSIVE: Mikee Quintos, elated on first meeting with Encantdia's original Lira Jennylyn Mercado