Showbiz News

EXCLUSIVE: Kapuso primetime actor Ken Chan on Kuya Germs, 'Ramdam pa rin namin 'yung pag-aalaga niya'

By AEDRIANNE ACAR

Naka one-on-one ng GMANetwork.com ang isa sa mga lead stars ng Kapuso primetime series na Meant To Be na si Ken Chan sa Sikt sa Barangay ni Mama Belle.

 

PHOTO BY  Michael Paunlagui, GMANetwork.com

Dito tinanong namin ang guwapong binata na gumaganap bilang si Yuan Lee kung ano ang pakiramdam na tinatawag na siya ng mga Kapuso na isang primetime star?

Saad ni Ken, “Sobrang nakaka-flatter naman nun dahil dati-dati nangangarap lang ako na sana one day magawa ko ‘yung imposibleng bagay na ‘yun. Kasi for me, it’s impossible eh.”

Isa si Ken sa madaming bituin na nadiskubre at tinulungan ng yumaong Master Showman na si German “Kuya Germs” Moreno.

Ilan sa mga ito ay sina Encantadia star Sanya Lopez, Bubble Gang hunk Jak Roberto at si Jake Vargas.

Namatay si Kuya Germs noong January 8, 2016 dahil sa cardiac arrest.

Ayon kay Ken, masaya siya na nakita ni Kuya Germs ang unti-unti niyang pagsikat, lalo na nang maging bida siya sa isang high-rating Kapuso afternoon series.

“Alam ko at sinabi din ng mga boss and ng family ni Kuya Germs kung gaano ka-proud si tatay sa amin. Especially nung nag-Destiny Rose po ako naabutan niya ‘yun eh. Pero kalagitnaan ng Destiny Rose dun siya nawala and masaya ako na kahit papaano nasilip niya ‘yung alaga niya na si Ken Chan na nagiging okay dun sa craft na ginagawa niya.”

Dagdag pa niya, ramdam pa rin nila ang pag-aalaga ng Master Showman kahit wala na siya sa mundo.

“Sabi ko sa sarili ko kahit wala si tatay, mas inalagaan niya tayo ngayon. Nagiging manager pa rin siya sa amin, kahit wala na siya ramdam pa rin namin ‘yung pag-aalaga niya and hindi niya kami pinabayaan. He made sure na bago siya mawala settled kami and sobrang sarap sa pakiramdam nun.”

MORE ON KEN CHAN:

Ken Chan, nag-walk out?

IN PHOTOS: Ken Chan's new look