TV

Kilalanin si Harvey ng 'The Big One'

Tatamaan ng isang malakas na lindol ang Korea sa The Big One!

 

 

Magiging isolated ang Seoul dahil masisira ang mga daan papunta at palabas nito. Mapuputol din ang supply ng kuryente, tubig at pati telephone networks. 

 

Sa gitna ng kaguluhan at pinsalang dala nito, isang doktor ang aangat sa iba dahil sa kanyang 'di pangkaraniwang kakayanan bilang manggagamot. 

Isang resident doctor si Harvey Lee sa tanyag na Mirae Medical Center. Madalas niyang makabangga ang ilang nakakataas na opisyal ng elite hospital na ito dahil sa paniniwala niyang lahat ng tao ay may karapatang makatanggap ng pantay na atensiyong medikal anuman ang estado nila sa buhay. 

Malilipat siya sa Han River Hospital matapos makaalitan ang hospital director ng Mirae. 

Nang tumama ang lindol, masasagip ni Harvey ang isang taong itinuturing na VIP o very important person sa bansa na tinaggihang i-admit ng Mirae. 

Bukod dito, maraming buhay pa ang kanyang maililigtas—sa kabila ng kawalan ng kuryente, mga gamit at iba pang pangangailangan—dahil sa kanyang mga 'di pangkaraniwang pamamaraang medikal. 

Ang aktor na si Kim Young-kwang ang gaganap bilang Harvey. Nagsimula siya bilang isang runway model para sa mga big name brands at designers tulad nina Alexander McQueen, Vivienne Westwood at Dior. 

Una siyang nakilala ng mga Pilipino sa role niya bilang Gavin Seo sa hit series na Pinocchio

Tunghayan siyang muli bilang Dr. Harvey Lee sa The Big One, simula January 23, pagkatapos ng Mako Mermaids sa GMA Heart of Asia. 

MORE ON 'THE BIG ONE':

Paparating na ang 'The Big One'

The Big One: Walang pinipiling oras ang trahedya