Showbiz News

LOOK: Ina Raymundo, binalikan ang kanyang tattoo artist

By MARAH RUIZ

Matapos ang mahigit dalawang dekada, binalikan ni Sabado Nights girl Ina Raymundo ang kanyang tattoo artist na si Myke Sambajon.

Ito ay para padagdagan ng disenyo ang kanyang tattoo na ginawa ni Sambajon halos 22 years na ang nakalilipas.


"After almost 22 years, I've decided to give my old tattoo a new look. Good to see you again @mykesambajontattoo. You haven't lost your touch," aniya sa caption ng kanyang Instagram post. 

Narito ang lumang tattoo ni Ina.


At narito naman ang bagong disenyo kung saan may idinagdag na tutubi.


Hilig daw kasi ni Ina na makakita ng mga mga tutubi noong siya ay bata pa.


Si Sambajon din ang gumawa ng butterfly tattoo ni Kapuso Primetime Queen Marian Rivera. Kabilang sa iba pa niyang celebrity clientele ay sina Paolo Contis, Valeen Montenegro at Andi Eigenmann. 

MORE ON INA RAYMUNDO:

WATCH: Ina Raymundo dances to 'Sabado Nights'

EXCLUSIVE: Ina Raymundo doesn't take the 'hot momma' label seriously