Celebrity Life

Ryza Cenon hopes boyfriend Pocholo Barretto will be her last

By OWEN ALCARAZ

Sa isang lengthy post sa kanyang Instagram account ngayon (January 23), may mga pahayag ang Ika-6 na Utos star na si Ryza Cenon patungkol sa kanyang buhay pag-ibig.

Simula ng dalaga, "I'm not the prettiest girl, but you never fail to tell me every single day that I'm beautiful. I'm not anyone's dream girl, but you never fail to make me feel like you've won the jackpot..."

 

Bagamat walang tahasang pag-amin mula sa aktres kung ano ang tunay na estado ng kanyang relasyon sa aktor na si Pocholo Barretto, tila hindi na rin ito kailangan kung pagbabasehan ang old adage na "action speaks louder than words."

Nariyan din ang kapwa Instagram accounts nila na nagpapakita kung gaano sila ka-espesyal sa isa't isa.

Sa dulo ng post, nagpasalamat ang aktres sa Diyos na binigay sa kanya ang aktor na itinuturing niyang isang magandang biyaya. 

Tinapos ng aktres ang kanyang mensahe sa pamamagitan ng tila isang hiling. Aniya, "I just hope you're my last."

MORE ON RYZA CENON:

Ryza Cenon, malapit na bang maging Barretto?

WATCH: Ryza Cenon, nanawagan sa bashers ng kanyang karakter sa 'Ika-6 Na Utos'