Showbiz News

EXCLUSIVE: Ryza Cenon, thankful sa pagiging supportive ng boyfriend na si Pocholo Barretto sa kanyang career

By MICHELLE CALIGAN

Hindi daw issue sa boyfriend ni Ryza Cenon na si Pocholo Barretto ang role ng dalaga bilang other woman sa top daytime drama na Ika-6 Na Utos.

READ: Ryza Cenon hopes boyfriend Pocholo Barretto will be her last

"Actually si Cholo, nanonood 'yun eh. Tapos magko-comment 'yun sa akin, sa acting ko. Nakakatuwa kasi [supportive siya]. Kung sa ibang boyfriend 'yun, baka away na 'yun eh (laughs)," pahayag niya sa isang eksklusibong panayam with GMANetwork.com.

Aniya, suportado ni Cholo ang kanyang career decisions, at ganun din naman siya sa binata.

"Sobrang understanding niya at supportive na boyfriend. Hindi niya ako pinapakialaman when it comes to work. We both understand kung ano 'yung flow ng taping or shooting, kung ano ang mga nangyayari. Basta informed lang ang isa't isa na ganito 'yung story, ito 'yung nangyayari, para walang gulatan."

MORE ON RYZA AND POCHOLO:

EXCLUSIVE: Ryza Cenon, muntik nang hindi puntahan ang audition para kay Georgia ng 'Ika-6 Na Utos' 

Ryza Cenon, malapit na bang maging Barretto?