Showbiz News

Ellen Adarna, inaming hiwalay na sila ni Baste Duterte

By CHERRY SUN

Wala mang naging malinaw na pag-amin tungkol sa kanilang naging relasyon, kinumpirma ngayon ni Ellen Adarna na hiwalay na sila ni Baste Duterte.
 
Ibinahagi ni Ellen ang litrato ng singer-songwriter at dating frontman ng Rivermaya na si Rico Blanco sa kanyang Instagram account. Hindi rin malinaw kung siya na ba ang bagong dine-date ng aktres ngunit paglarawan niya rito, “Dito pala may forever.”


Sa naturang post, sinagot ni Ellen ang komento ng isang netizen na sumusuporta sa kanyang relasyon sa presidential son.
 
Anang sexy actress, “@gorgeouslyl09 Hindi na po kami. 2016 pa po ‘yon. Bagong taon na. At para matahimik na tayong lahat.”

Sa isa pang post ni Ellen ay tila may mensahe rin siya sa dati niyang nakarelasyon.


MORE ON ELLEN ADARNA:
 
LOOK: Presidential son Baste Duterte kasama si Ellen Adarna sa Japan
 
READ: Ellen Adarna clarifies that she and Baste Duterte are friends
 
IN PHOTOS: Ellen Adarna and Baste Duterte's Siargao Island escapade