Showbiz News

LOOK: Absence of John Lloyd Cruz in Ellen Adarna's Christmas family photo fuels speculations

Nag-celebrate ang aktres na si Ellen Adarna ng Pasko kasama ang ilang miyembro ng kanyang pamilya sa isang tahanan sa Alabang.

Ellen Adarna and John Lloyd Cruz

Hindi nawala ang taunang family picture ng angkan at nagsuot pa ng "ugly" Christmas sweaters bilang pakulo nila ngayong taon.

Ibinahagi ng isa sa mga kamag-anak ni Ellen na si Mia ang kanilang family Christmas photo sa kanyang Instagram account.

Naging kapansin-pansin para sa matitinik na netizens at showbiz insiders na wala ang nobyo ni Ellen na si John Lloyd Cruz sa litrato.

Noong nakaraang Bagong Taon, kasama si John Lloyd sa family picture ng pamilya ni Ellen.

June ngayong taon ipinanganak ni Ellen ang kanilang baby boy, bagay na kinumpirma ng kanyang abogado.

READ: Ellen Adarna has given birth

READ: Simpleng buhay ni John Lloyd Cruz, hinahangaan ng netizens