Showbiz News

Kiko Estrada wins Best Actor for 'Sinungaling Mong Puso' at the World Class Excellence Japan Awards

By OWEN ALCARAZ

Tunay na hindi matatawaran ang naging pagganap ng aktor na si Kiko Estrada sa defunct GMA Afternoon Primetime show na Sinungaling Mong Puso.

At bilang patunay na kanyang mahusay na pagganap, tinanghal na Outstanding New Best Actor sa World Class Excellence Japan Awards ang batang aktor.

Tinanggap ni Kiko ang award kahapon (January 28) sa Heritage Hotel Manila.

Kasama sa pagtanggap ng batang aktor ng kanyang award ay ang kaniyang ama na si Gary Estrada na kasalukuyang parte ng GMA Telebabad show na Alyas Robin Hood.

MORE ON KIKO ESTRADA:

WATCH: Kiko Estrada stars in horror movie 'Pwera Usog'

READ: Kiko Estrada, an aspiring filmmaker?

EXCLUSIVE: Kiko Estrada, walang balak gayahin si Aga Muhlach

 

Photos by: @kikoxestrada (IG)