Showbiz News

Rodjun Cruz, crush na si Dianne Medina noong unang beses itong makita sa TV

By MARY LOUISE LIGUNAS

Bago pa man makilala ni Rodjun Cruz ang kanyang girlfriend of ten years na si Dianne Medina, isa na siyang tagahanga nito.
 
“Kumakain ako ng dinner nun sa bahay ko. Pagbukas ko ng TV, [tinanong ko] ‘Sino ‘tong magandang babae na ‘to? Ganda ng babae na ‘to ha. Crush ko ‘to ha.’ Dun pa lang, nabighani na 'yung puso ko,” kuwento niya sa #Like.
 
Lahat na raw ng gusto niya sa isang babae ay nahanap niya rito.


“Siya 'yung Miss Universe ng buhay ko eh – maganda, mestiza, matalino, mabait, mapagmahal sa pamilya, may takot sa Diyos tapos matulungin,” sabi niya.
 
Hindi ito one-sided dahil halos ganun din ang nangyari kay Dianne.
 
“Believe it or not, si Rodjun lang 'yung crush ko sa lahat ng artista na nakita ko. Siya lang talaga 'yung naging crush ko. When I first saw him, sabi ko sa sarili ko, ‘Gusto ko ‘to and magiging boyfriend ko ‘to.’ Tapos nangyari nga,” kuwento ng actress-dancer. 


 Sa pagkagulat ni Dianne, maaga pa lang sa kanilang pagkakakilala ay nagpahiwatig na si Rodjun.
 
“Nag-sign ako sa isang management tapos biglang magka-handler kami. ‘Di pa kami, sinabi niya sa ‘kin, ‘Dianne, aalagaan kita.’ 'Yun. Nagulat ako. Tapos kinausap niya 'yung mommy ko, [sabi niya] ‘Aalagaan ko po ‘tong si Dianne’ Tapos 'yun na, dun na nag-start,” dagdag niya.
 
Nang tanungin kung may balak na silang magpakasal, hindi ipinagkaila ng dalawa na napag-uusapan na nila ito.


“Of course, we’re not getting any younger. Of course, we talk about it but kung kailan ibigay ni Lord, then we’re open naman [to it], pero as of now, we’re focusing on our work, on our career,” wika ni Dianne.
 
Dagdag naman ni Rodjun na mangyayari’t mangyayari din 'yun sa tulong ng Diyos.
 
“Lagi namin pinag-pe-pray 'yun na siyempre, in God’s time. Darating kami dun,” pagtatapos niya.
 
MORE ON RODJUN CRUZ:
 
WATCH: Maxine Medina, nakisaya kay Rodjun Cruz sa pagbi-videoke
 
LOOK: Alden Richards, Kristoffer Martin, Bea Binene, Rodjun Cruz climb Mt. Talamitam
 
EXCLUSIVE: Rodjun Cruz, sobrang saya na mapabilang sa cast ng 'Encantadia'

 

Photos by: @rodjuncruz(IG)