Showbiz News

Alden Richards, patuloy na nagpapagaling sa sakit

By CHERRY SUN

Absent kanina, February 19, sa Sunday PinaSaya si Alden Richards dahil kasalukuyan siyang nagpapagaling sa ospital matapos ma-confine.

Ayon sa ulat ni Cata Tibayan sa 24 Oras, na-ospital si Alden dahil sa mataas na lagnat na epekto raw ng tonsillitis. Gayunpaman, wala raw dapat ipag-alala ang kanyang mga fans dahil hindi malala ang kanyang kondisyon.

Nataon naman sa pagkawala ng Pambansang Bae sa Sunday PinaSaya ang pag-guest dito ni Maine Mendoza. Dito ay nagpromote ang aktres ng kanilang upcoming series na Destined To Be Yours.

Bahagi ni Maine tungkol sa kalagayan ng kanyang love team partner, “Okay na siya. Sabi lang ng doctor na kailangan lang magpahinga. ‘Yun kasi ang advice eh. Ayun, baka nanonood siya ngayon. Hello Alden! Pahinga ka.”

Video from GMA News

MORE ON ALDEN RICHARDS:


WATCH: Unang patikim sa opening scene ng Destined To Be Yours 

EXCLUSIVE: The story behind Destined To Be Yours 

LOOK: Mamahaling sneakers at style ni Alden Richards

Photos by: @aldenrichards02(IG)