Showbiz News

WATCH: Alden Richards, ibinahagi kung paano nagpa-sexy si Maine Mendoza

By Cherry Sun

Ayon sa ulat ng 24 Oras, saksi si Alden Richards sa paghahanda ni Maine Mendoza para sa kanyang Maldives beach trip.
 
Bahagi ni Alden, hanga siya sa pinakita ng kanyang ka-love team.
 
Sambit niya, “Maine, ano ba naman? Ginulo mo buong Pilipinas! Hindi, joke lang. Witness naman ako doon sa preparation niya for the Maldives trip.”
 
Aminado rin siya na talagang naseseksihan siya kay Maine. 

Aniya, “Siyempre naman, sino bang hindi? Galing eh, ginalingan eh.”
 
Pasok na rin si Maine sa partial result ng top 10 sexiest women ng FHM Philippines. Kaya naman, proud din si Alden sa nakamit ng kanyang leading lady. Dagdag pa niya ay talagang pinaghirapan ni Maine na ma-achieve ang kanyang sexy and fit body.
 
Wika ng aktor, “Asparagus at saka chicken breast. Sobrang effort talaga siya for that pero at least nakuha niya ‘yung result na gusto niya and good job. Idol!”


Video courtesy of GMA News