Showbiz News

Jaclyn Jose, Barbie Forteza at Therese Malvar, pinarangalan sa 9th Ani na Dangal awards

By FELIX ILAYA

Ngayong araw (February 27) ginanap ang ika-siyam na Ani ng Dangal awards sa pangunguna ng National Commission for Culture and the Arts (NCCA). Layunin ng Ani ng Dangal ang kilalanin ang mga iba't ibang alagad ng sining na tumanggap ng international awards.

READ: Jaclyn Jose, Paolo Ballesteros, Barbie Forteza, and Therese Malvar to be honored at the 9th Ani ng Dangal Awards 

Tatlo sa kanilang awardees ay ang mga Kapuso actresses na sina Jaclyn Jose, Barbie Forteza at Therese Malvar.

Masayang tinanggap ni Jaclyn Jose ang kaniyang Ani ng Dangal trophy para sa parangal niya bilang best actress sa Cannes Film Festival para sa pelikulang Ma'Rosa.

 

Pinarangalan si Barbie dahil sa kaniyang kahanga-hangang pagganap sa pelikulang Laut kung saan siya ay tinanghal na best actress sa Fantasporto Film Festival, Portugal.

 

 

Si Therese naman ay kinilala sa kaniyang pagkakapanalo ng Rising Star Asia Award sa 15th New York Asian Film Festival.

 

 

Maliban sa kanilang tatlo, tumanggap din ng Ani ng Dangal si Paolo Ballesteros para sa Die Beautiful.

MORE ON KAPUSO AWARDEES:

#Trivia: Filipinos who bagged international acting awards 

Carla Abellana wins Best Foreign Actress in Vietnamese entertainment awards 

READ: Marian Rivera, nagpasalamat sa natanggap na ika-apat na Anak TV Award