LOOK: Netizens pinag-usapan ang mamahaling Bencab dinner plates ni Heart Evangelista
Published On: March 11, 2017, 12:00 AM
Updated On: March 11, 2017, 12:24 PM
Usap-usapan ngayon ng mga netizens ang mga mamahaling dinner plates ng Kapuso primetime star na si Heart Evangelista.
Sa kaniyang Instagram post kahapon, March 10, ipinasilip ni Heart ang isang espesyal na hapunang inihanda niya para sa kanyang mga bisita.
Napukaw ang atensiyon ng mga Instagram followers ng aktres sa mga limited edition na dinnerware na inspired ng National Artist for Visual Arts na si Benedicto R. Cabrera o Bencab.
Bumuhos ang papuri sa mga netizens sa sobrang ganda at classy ng dinnerware na ginamit ni Heart para sa okasyon.
Heart Evangelista misses Senator Miriam Defensor-Santiago
WATCH: Heart Evangelista, hindi maka-move on sa pagkamatay ni Miriam Defensor Santiago