Showbiz News

LOOK: 'Impostora' star Sinon Loresca, walang arteng sumakay sa MRT para umiwas sa traffic

By AEDRIANNE ACAR

Napamahal na sa mga tao ang Impostora star at tinaguriang ‘King of Catwalk’ na si Sinon Loresca.

Matapos magpatawa sa hit kalye-serye segment ng Eat Bulaga bilang si Rogelia, ngayon ay certified social media sensation na rin si Sinon matapos umani ng milyong-milyong views ang kaniyang Miss Universe walk video.

Idagdag n'yo pa ang mga kawanggawa niya sa mahihirap, kung saan pinapakain niya ang mga street children.


Bagama’t sikat na, nanatili pa rin ang pagiging humble ni Sinon Loresca. Sa Instagram post ng Kapuso actor nito lamang Biyernes, March 10, walang arte na sumakay ng MRT-3 ang comedian para umiwas sa matinding traffic sa EDSA.

Umani na ng mahigit 5,300 likes as of writing ang post na ito ni Sinon sa image-sharing platform.


MORE ON SINON LORESCA:

Dabarkad Rogelia tampok sa iba't ibang international news websites dahil sa viral Miss Universe walk

#GinalinganEh: Sinon Loresca's workout video in high heels gets 4M views

Dabarkad Sinon Loresca gets emotional after Miss Universe video reaches 24.7 M views; receives invitation to be featured in a U.S. TV show