Showbiz News

READ: Sunshine Dizon may pakiusap sa poser niya sa Facebook

By AEDRIANNE ACAR

Mahinahon ang naging mensahe ng Ika-6 Na Utos lead star na si Sunshine Dizon sa isang poser niya sa Facebook na ginagamit ang kaniyang mga larawan na walang paalam.

Sa Instagram post ng magaling na aktres kahapon, March 20, may hiling si Sunshine na sana ay makipag-ugnayan sa kaniya ang poser.

Aniya, “Kung sino man po ang admin ng FB account na ito, i know that you are using my pictures and using my name. Kindly message me po soon as possible para makapag usap po tayo ng maayos. Alam ko po na makikita nyo ito dahil dito din po kayo nag grab ng pictures. Kindly dm me po. Salamat po.”


Last week, naging laman ng balita sina Sunshine at estranged husband niya na si Timothy Tan nang makita na magkasama silang umattend sa moving up day ng mga anak nilang sina Doreen at Anton.

 

LOOK: Sunshine Dizon at estranged husband Timothy Tan, magkasama sa moving up day ng kanilang anak na si Doreen
 
MORE ON SUNSHINE DIZON:

Sunshine Dizon, kinumpirma ang patuloy na pagbisita ni Timothy Tan sa kanilang mga anak    
  
WATCH: Sunshine Dizon naging emosyonal matapos makaharap sina Timothy Tan at diumano'y third party nito
       
Isa sa mga anak ni Sunshine Dizon may paalala bago ang unang pakikipagharap sa korte kay Timothy Tan at Clarisma Sison