Showbiz News

WATCH: Ateneo alumnus na nangikil kay Kiefer Ravena, arestado ng pulisya

By AEDRIANNE ACAR

Nahaharap sa kasong robbery extortion alinsunod sa Anti-Cybercrime Prevention Act of 2012 or Republic Act No. 10175, ang kapwa Atenista ni Kiefer Ravena na diumano’y nangikil sa basketball superstar kapalit ng impormasyon patungkol sa taong nagkakalat ng malalaswa niyang larawan sa Internet.

READ: Ateneo alum nabbed in extort try on ex-Blue Eagles star Ravena —PNP

Kamakailan lang ay kumalat sa Internet ang screenshot ng Viber conversation ni Kiefer sa isang babae. Makikita rito ang tila malalaswang larawan ng basketbolista.

Ayon sa ulat ni Chino Gaston sa 24 Oras, nahuli sa isang entrapment operation ng PNP Anti-cybercrime Group (PNP ACG) ang bank employee na si Kristoffer Monico Ng, 22, sa Eastwood Central Park.

Huli sa akto ang suspect na tumatanggap ng PHP 25,000 extortion money mula kay Ravena.

Base sa dagdag na ulat ng GMA News Online kahapon, March 29, ang magulang ni Ravena ang lumapit sa PNP ACG at nag-file ng complaint patungkol sa alleged viral nude photos ng sikat na basketbolista.

Ayon kay Supt. Jay Guillermo na spokesman PNP ACG, “Nung kumalat 'yung photos kinausap niya (Kiefer) 'yung parents niya na meron siyang scandal. Ang unang nagpunta dito is the parents of the victim. Hindi namin nakita pero masyadong degrading daw 'yung pinapakalat na picture ng biktima.”

Dagdag pa ni Supt. Guillermo, duda rin sila kung pera lang ang habol ni Ng sa ginawa nitong extortion.

“Mayroon ibang motivation kung bakit niya nagawa ‘yun. Ang sinasabi nung suspect eh kailangan mong magpakita siya ng video of doing something.”

Nagbigay naman ng pahayag ang suspect sa 24 Oras kung saan idiniin niyang kilala niya ang nagkakalat ng photo scandal ni Ravena.

Aniya, “May alam po akong isang taong nagkakalat na kilala ko ‘yung by name and contact number. Nag-offer po siya ng pera ‘yun lang po ‘yung participation ko. Ibibigay ko po ‘yung information sa kapalit nung pera."

Video courtesy of GMA News

MORE ON KIEFLY:

READ: Volleyball star Alyssa Valdez's sweet message for BF Kiefer Ravena on his graduation  

IN PHOTOS: Kilig travel photos of KiefLy around Europe
 
WATCH: Ravena brothers receive early Christmas gift from NBA superstar Lebron James