Showbiz News

WATCH: Maine Mendoza, muntikan na ulit umiyak sa Coldplay concert kagabi

By BEA RODRIGUEZ

Fan mode on ang mga Kapuso celebrities na dumalo sa “A Head Full of Dreams” concert ng British rock band na Coldplay kagabi (April 4) sa Mall of Asia Concert Grounds.

Matatandaang naiyak ang Phenomenal Star na si Maine Mendoza sa California, USA leg concert ng banda at kagabi ay mukhang naulit na naman ang kanyang karanasan, “Amazing! Second time, amazing pa din just like the first one. Teary eyed [ako].”

Kasama niya ang kanyang Destined To Be Yours leading man na si Pambansang Bae Alden Richards, “First time kong maka-experience ng concert ng Coldplay. In-invite kasi ako ni Maine so talagang sobrang enjoy.”

LOOK: Alden Richards and Maine Mendoza’s sweetest moments at the Coldplay concert 

Magkasama naman ang Encantadia father and daughter tandem na sina Ruru Madrid at Mikee Quintos na matalik na magkaibigan sa totoong buhay.

Dream come true ito para kay Ybarro, “Sobrang dream ko ito. First song pa lang nila, A Head Full of Dreams, I was crying na hanggang matapos ‘yung show.”

Isa raw iyong pambihirang pagkakataon, “Lumapit na sila sa amin [at] kung tutuusin, pwede ko nang hablutin ‘yung ulo nila. I love you, Coldplay! Thank you so much for everything.”

Kilig na kilig naman si Lira, “Sobrang enjoy, as in may parts na sobrang nakaka-iyak [at] kapag pinapatalon nila kami, ‘di mo mapipigilan [na] ‘di sumama. Thank you, Coldplay! We love you! We hope you enjoyed Manila.”

Puno naman ng “feels” ang experience ni Karel Marquez, “I’ve been crying. Sobrang saya, as in best concert ever! Promise! I love you, guys! I’m a fan! Sobrang solid!”

Naispatan rin sa concert kagabi sina Kapuso Primetime King and Queen, Dingdong Dantes at Marian Rivera, Meant To Be star Barbie Forteza, Legally Blind leading lady Janine Gutierrez at sexy actress Jackie Rice.

MUST-SEE: Christ Martin of Coldplay visits fan diagnosed with stage 4 cancer