Showbiz News

WATCH: Check out the jam-packed Kalye-serye concert in New York City

By AEDRIANNE ACAR

Dinagsa ng mga Pinoy hindi lamang sa Amerika, kundi pati na rin sa Canada ang last leg ng Kalyeserye concert sa King’s Theater, New York City.

Sa ulat ni Cata Tibayan para sa Chika Minute, hindi pa daw nag-uumpisa ang concert ay mahaba na ang pila para sa naturang event ng Eat Bulaga stars.

Ayon kay Jose Manalo, “Galling pang ibang lugar, ‘yung iba nagbakasyon talaga sila, bumiyahe ng mga ilang oras para tumawid lang kung saan man, makapunta lang dito.”

Lubos din ang pasasalamat ni Wally Bayola na gumanap sa karakter ni Lola Nidora sa mainit na pagtanggap ng mga Kapuso natin sa New York City. Saad niya “Lahat nang mga naririnig naming, nagti-thank you sila dahil sa kalye-serye palagi naming pinapanood kayo nagpapasaya sa amin. Nakakataba po ng puso ‘yung mga ganung reaksyon po sa amin.”

Makikita sa video ng 24 Oras ang hiyawan nang mga dabarkads sa bawat performances ng JoWaPao, lalo na nang mag-perform na ang AlDub phenomenal couple na sina Alden Richards at Maine Mendoza.  

Sa interview naman ni Maine Mendoza natutuwa siya na malaman na nakatulong nang malaki ang Kalye-serye ng Eat Bulaga para mabawasan ang pangungulila ng mga kababayan natin na malayo sa Pilipinas.

“Parang hindi sila naho-home sick nung mga days ng Kalyeserye, parang ang laki ng naitutulong sa kanila para to get through the day.”

Video from GMA News

More on DESTINED TO BE YOURS:

EXCLUSIVE: Alden Richards and Maine Mendoza play 'Me-Not Me'

EXCLUSIVE: Maine Mendoza, thankful sa pag-alalay ng director at co-stars

Alden Richards, pinuri si Maine Mendoza sa pagganap sa unang soap

Photos by: @gmapinoytv(IG)