Showbiz News

Kapuso program and stars, wagi sa 48th Box Office Entertainment Awards

By ANN CHARMAINE L. AQUINO

 

 

Sa ginanap na 48th Box Office Entertainment Awards ng Guillermo Mendoza Memorial Scholarship Foundation, ilang Kapuso stars ang pinarangalan para sa kanilang husay sa pagganap sa kanilang napiling karera. Isang Kapuso show rin ang nabigyang parangal para sa kanilang dedikasyon sa pagbibigay ng balita sa mga Kapusong manonood.

Ilan sa mga parangal na nakuha ng mga Kapuso stars ay ang Comedy Actor of the Year na ibinigay kay Vic Sotto. Ang isa sa Female Concert Performers of the Year award naman ay iginawad kay Regine Velasquez-Alcasid. Samantalang si Dingdong Dantes ay pinangalanan na Film Actor of the Year.

Ang tambalan naman nina Alden Richards at Maine Mendoza ay itinanghal na Prince and Princess of Philippine Movies para sa kanilang pelikulang Imagine You & Me. Nakatanggap rin ng isa pang parangal si Alden na Male Recording Artist of the Year dahil sa kanyang albums mula sa GMA Records. Ito ay ang Wish I May na nagkaroon ng Diamond Record at Say It Again album na nag-Gold Record. Samantala, hinirang naman na Most Promising Recording/Performing Group ang That’s My Bae boys ng Eat Bulaga. 

Ang News & Public Affairs naman na 24 Oras ay pinarangalan bilang Most Popular TV Program.

Nakatanggap din ng award na Global Achievement by a Filipino Artist si Paolo Ballesteros dahil sa kanyang pagkapanalo bilang Best Actor sa 29th Tokyo International Film Festival para sa pelikulang Die Beautiful, si Aiai Delas Alas dahil sa pagsungkit niya ng Best Female Actor sa 7th Queens World Film Festival, New York para sa indie film na Area at si Lotlot de Leon para naman sa kanyang Sole Acting Citation for Exceptional Performance sa All Lights India International Film Festival para sa 1st Semester. 

Congratulations, Kapuso!

MORE ON KAPUSO AWARDS:

Alden Richards, Maine Mendoza, Barbie Forteza, to be awarded at the 19th Gawad Pasado Awards

Regine Velasquez-Alcasid, nominated sa Daf BAMA Music Awards 2017