Showbiz News

Jennylyn Mercado, makakasama na ang ama na si Noli Pineda sa Pilipinas

By ANN CHARMAINE AQUINO

"Dito na siya." Ito ang naging pahayag ni Jennylyn Mercado nang siya ay tanungin tungkol sa kanyang ama na si Noli Pineda na kanyang nakasama sa Korea nitong nakaraang Holy Week.

READ: Jennylyn Mercado in 'Everyday Sarap with CDO'

Kinuwento ni Jennylyn sa set ng Everyday Sarap with CDO na magkakasama na sila ng kanyang ama sa Pilipinas simula nang sunduin niya ang kanyang ama sa Korea.

#UltimateReunion: Jennylyn Mercado reunites with her biological father Noli Pineda

"January sabi ko sa kanya kasi wala na akong kasama dito sa Philippines, sabi ko mag-isa na lang ako. Sabi niya, 'di bale, uwi na lang ako. Sabi ko, hindi sunduin na lang kita para sigurado." Natatawang kuwento ng Ultimate Star.

Dagdag ni Jennylyn dumaan raw sila sa adjustment dahil hindi siya sanay na kasama ang kanyang biological dad. Kuwento niya, "Medyo naga-adjust rin kasi hindi naman ako sanay na kasama siya."

Kahit na naga-adjust pa ang mag-ama ay masaya si Jennylyn na kasama niya na si Daddy Noli.

Aniya, "Medyo nangangapa pero kilala ko naman siya kasi even hindi naman kami nagkikita umuuwi naman 'yun yearly."

MORE ON JENNYLYN MERCADO:

Jennylyn Mercado is back in GMA News TV's Everyday Sarap with CDO

WATCH: Jennylyn Mercado "jams" with dad