Showbiz News

WATCH: Rich Asuncion got engaged during 'Ika-6 Na Utos' taping

By AL KENDRICK NOGUERA

Hindi inaasahan ni Kapuso actress Rich Asuncion na isang sorpresa ang matatanggap niya habang nasa taping ng nangungunang daytime drama na Ika-6 Na Utos ngayong araw, April 27.

Nagulat si Rich dahil hiningi na ng kanyang boyfriend na si Benj Mudie ang kanyang kamay. Sa Instagram ng StarStruck alumna, ibinahagi niya ang litrato at videos ng proposal ng Philippine Volcanoes member.

 

Rich wrote, "Hats down to my man who pulled this proposal off oh so perfectly. So surprised when I saw him down on one knee in the middle of a scene during our taping. Of course, the answer is YES!!!"

Panoorin ang proposal videos.

 

 

Narito naman ang larawan cast at team ng Ika-6 Na Utos na siguradong kasabwat ni Benj sa kanyang proposal.

 

Photo Courtesy of Abegayle Lynn Evasco (FB)

Kahapon, April 26, ay nag-celebrate sila ng kanilang second anniversary.

Congratulations, Rich at Benj!

MORE ON RICH ASUNCION:

Benj Mudie tells Rich Asuncion to start thinking about settling down

Rich Asuncion reveals she was bullied because of her beauty pageant performance

Benj Mudie talks about girlfriend Rich Asuncion's beauty pageant days