Showbiz News

WATCH: Cherie Gil recreates iconic 'copycat' movie scene with Atom Araullo

By OWEN ALCARAZ

Maraming nang hindi matatawarang pagganap sa pelikula at television ang veteran actress na si Cherie Gil pero isa na marahil sa pinaka tumatak sa maraming tagahanga ay ang iconic 'copycat' scene niya kasama ang Megastar na si Sharon Cuneta sa pelikulang Bituing Walang Ningning.

Ilang ulit na rin itong ginawan ng parody at reenactment ng maraming artista para sa iba't ibang show. At ngayon, muling sinambit ni Ms. Cherie ang kanyang iconic lines kasama si Atom Araullo. At bonus pa dahil ang nag-direct sa kanilang dalawa ay walang iba kundi ang nagbabalik showbiz at highly-acclaimed director na si Mike De Leon.


Sa unang take ay sumablay ang pagsaboy ni Ms. Cherie ng tubig sa mukha  ni Atom kung kaya't minabuti nilang ulitin ito.


Kasalukuyang ginagawa nina Ms. Cherie at Atom, sa direksyon ni Direk Mike, ang pelikulang Citizen Jake.

MORE ON CHERIE GIL:

LOOK: Cherie Gil is fierce in a black one-piece swimsuit

LOOK: Cherie Gil sizzles in a bikini at 53!

LOOK: Cherie Gil's handsome date in Tagaytay