Showbiz News

LOOK: Cherie Gil posts throwback photo with Sharon Cuneta

By Jansen Ramos

Inalala ni Onanay star Cherie Gil ang "great times" kasama ang kaniyang kaibigan na si Sharon Cuneta.

Cherie Gil & Sharon Cuneta

Lagi mang magkaaway on-screen, hindi naman maitatanggi ang nabuo nilang pagkakaibigan off-cam matapos ilang beses nagsama sa pelikula.

Kabilang riyan ang 1985 Emmanuel H. Borlaza film na Bituing Walang Ningning, kung saan ginampanan nila ang iconic characters nina Dorina (Sharon) at Lavinia (Cherie).

Miss na raw ni Cherie ang Megastar kaya napa-post siya sa Instagram ng kanilang throwback photo.

Sulat ng primera kontrabida, "@reallysharoncuneta nasa'n ka na?"

Nagpahiwatig naman ang kanilang fans ng kanilang kagustuhang mapanood muli ang dalawang beteranang aktres sa big screen.

Bukod sa Bituing Walang Ningning, nagkasama rin sina Cherie at Sharon sa mga pelikulang Kailan Sasabihing Mahal Kita (1985), Sana'y Wala Nang Wakas (1986), Kahit Wala Ka Na (1989), Ngayon At Kailanman (1992), at Bakit Ikaw Pa Rin (1990).