Showbiz News

Gardo Versoza, maayos na ang lagay matapos maaksidente 

By AEDRIANNE ACAR

Maraming Kapuso fans ang ikinabahala ang sunod-sunod na post ng aktor na si Gardo Versoza sa Instagram, kung saan nagkuwento ito patungkol sa aksidente niya habang nagta-taping sa high-rating romantic series niya na Destined To Be Yours.

Ayon sa post ni Gardo, “Had a very bad fall. Slammed my head...literally VERSOZA ON THE FLOOR. Thank you, Lord no crack in the skull. Thanks cupcakes. #destinedtobeyours”

 

 

Sa susunod niyang post, idinetalye naman ng Kapuso star na gumaganap na Teddy sa AlDub primetime series ang nangyari sa kaniya.

 

Taos puso naman ang pasasalamat ni Gardo sa kaniyang mga supporters na bumuhos ang mga mensahe at pinagdasal ang agaran niyang paggaling.

 

 

MORE ON DESTINED TO BE YOURS:

EXCLUSIVE: Alden Richards and Maine Mendoza play 'Me-Not Me' game

EXCLUSIVE: Maine Mendoza, thankful sa pag-alalay ng director at co-stars

Alden Richards, pinuri si Maine Mendoza sa pagganap sa unang soap