Showbiz News

WATCH: Sasakyan ng mga celebs na illegal na nakaparada sa Scout bypass area sa Quezon City hinatak ng MMDA

By AEDRIANNE ACAR

Hindi pinaglagpas ng Metro Manila Development Authority (MMDA) ang ilang sasakyan na illegal na nakaparada sa Scout bypass area sa Quezon City.

Hindi baba sa dalawampung sasakyan ang hinatak ng MMDA sa clearing operations na isinigawa nila.

Ayon sa report ni Mark Salazar sa Balita Pilipinas ang ilan sa mga ito ay pagmamay-ari ng mga artista na nasa no parking zones.

Mayroon ding shooting na nabulabag sa ginawang clearing operations ng ahensiya.