Showbiz News

Regine Velasquez-Alcasid, may warning sa mga manliligaw kay Leila Alcasid

By ANN CHARMAINE AQUINO

Maituturing na #stepmomgoals si Regine Velasquez-Alcasid kay Leila Alcasid. Isa sa mga pagpapatunay nito ay ang pagiging supportive niya sa anak ni Ogie Alcasid at Michelle Van Eimeren sa kanyang mga shoots at TV guestings.

Kamakailan lamang ay pinuri ni Regine si Leila at sinabing ang ganda nito ay mula sa kanyang ina na si Michelle. 

 

Aniya, "Hala bat ang sobrang ganda naman. Manang mana sa Nanay!!!!"

Nilinaw rin ni Regine na natural ang ganda ng mata ni Leila. 

"By the way, NO colored contact lens. Those are her real eyes. Ang GANDA!" saad ni Regine.

Bukod rito may nakakatawang hashtags si Regine para warningan ang mga nais manligaw kay Leila. Aniya, strikto raw si Ogie, kaya sinabihan niya sila ng "Good luck!" 

Nagpasalamat naman si Leila sa kanyang stepmom.

 

 

Natawa naman ang ina ni Leila na si Michelle sa post ni Regine.

 

 

Photos by: @leilalcasid(IG)