Showbiz News

WATCH: DongYan, makikisaya sa Independence Day celebration ng GMA Pinoy TV sa Amerika

By MICHELLE CALIGAN

Lumipad patungong Amerika ang mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera kasama ang anak nilang si Baby Zia para makiisa sa Philippine Independence Day celebration ng GMA Pinoy TV sa California.

READ: Dingdong Dantes and Marian Rivera to celebrate Philippine Independence Day with Filipinos in California 

"Sa June 3 nasa Vallejo kami, at June 10 nasa Carson City," ani Dingdong.

Si Marian naman, malaki ang pasasalamat na sila ang ipapadala doon ng Kapuso network. "Siyempre nagpapasalamat kami sa GMA Pinoy TV dahil kaming dalawa ang ipinadala doon para makasama ang mga Kapuso natin doon.

Dagdag pa niya, nais daw niyang makilala ang ilang Pinoy OFW sa Amerika na inspirasyon ng programa niyang Tadhana.

"Ang maganda kasi doon sa programa na 'yun, parang ipinapakita natin 'yung mga buhay ng kababayan natin sa ibang bansa na hindi talaga ganun kadali."

Dalawang linggong mamamalagi sa Amerika ang pamilya Dantes. Isinama na rin daw nila si Baby Zia para makapamasyal dahil pag-uwi sa Pilipinas ay balik trabaho na rin sila.