Showbiz News

Donita Rose admits she's ready to entertain suitors

By Maine Aquino

 

 

Diretsong inamin ni Donita Rose sa press na siya ay ready na mag-entertain ng mga manliligaw. Ito ay kanyang inihayag nitong July 25 sa press conference ng kanyang capsule show na HeartMate Kitchen na mapapanood soon sa GMA Network.

"Absolutely! Meron ba? May kilala ka ba?" Ito ang diretsong sagot ni Donita sa mga press.

"Wala pa" naman ang naging sagot ng Kapuso star nang tanungin naman siya kung mayroon ng nanliligaw sa kanya ngayon.

Kuwento ni Donita, nanatili siyang single simula nang magkahiwalay sila ng kanyang estranged husband na si Eric Villarama.

"I've been single since 'yung separation. It's been like three and a half years. I've never dated, never thought about anything. Because I just really wanted my heart to heal first."

READ: Donita Rose after separation from estranged husband: "Nakapag-move on na"

Para kay Donita ay importante munang makapag-heal ang isang tao bago ito pumasok muli sa isang relasyon.

Aniya, "You know when you're brokenhearted, I don't know how people can think about love when they're brokenhearted. You really need to heal first."