Showbiz News

Jake Vargas at Vaness del Moral, ikinuwento kung bakit loyal sila sa Kapuso network

By Gia Allana Soriano

 

 

Nag-renew muli ng kontrata sina Jake Vargas at Vaness del Moral sa GMA Network.

Galing sa Walang Tulugan si Jake na ngayon ay active bilang aktor sa sitcom na Pepito Manaloto. Samantalang si Vaness naman ay former StarStruck contestant na napapanood ngayon sa Impostora bilang si Criselda.

Ani Jake, naging parte ang yumaong mentor niyang si German "Kuya Germs" Moreno sa kanyang desisyon. Dagdag pa niya, "Bukod sa tulong sa akin ni tatay noong nag-start ako sa Walang Tulugan hanggang sa dumami 'yung mga shows ko. So, ang dami rin niya talagang naitulong sa akin."

Para naman kay Vaness ay alagang-alaga rin siya ng Kapuso network. Ika niya, "Ever since StarStruck noong nag-start ako hanggang sa nag-renew ako ng contract ngayon hindi ako nabakante. Tuloy-tuloy 'yung trabahong binibigay sa akin ng GMA 'tsaka ng Artist Center."

Panoorin ang full report ni Aubrey Carampel sa 24 Oras:


Video courtesy of GMA News