Showbiz News

Miss World queens na sina Megan Young at Queenie Rehman, may bets na sa Miss World PH 2017

By Bea Rodriguez

 

Two more days at mapapanood na natin sa GMA ang tatlumpu’t limang naggagandahang kandidata na maglalaban-laban sa Miss World Philippines 2017 competition.

Apat na kandidata ang makakakuha ng korona, ang Miss World Philippines 2017, Reina Hispanoamericana Filipinas 2017, Miss Multinational 2017 at Miss Eco Philippines 2017.

Nakikita ni Miss World 2013 Megan Young ang kanyang sarili sa mga kandidata ngayong taon. Kuwento niya sa panayam ng GMANetwork.com sa Miss World Philippines Charity Gala Night kagabi (Aug, 31), “Everybody’s really out there to win it. I’m really excited for the finals on Sunday to see everybody’s progress, and to see who gets the crown.”

Maraming magaganda at matatalino na mga kandidata ngunit stand out para kina Megan at Miss World Philippines 2012 Queenie Rehman ang mga may makings of a Miss World Philippines winner.

Ayon kay Megan, “There some ladies in mind that I think, deserve to win, [but] it really boils down to the final night. Sometimes you don’t know who’s [going to] shine all of a sudden, so we’ll wait and see kung sino man dun sa mga bets ko ang mga mananalo.”

Hindi kabilang sa panel of judges ang dating Miss World winner kaya mae-enjoy niyang panoorin ang kumpetisyon ngayong Linggo sa Mall of Asia Arena.

Nakita naman ni Queenie sa ilang kandidata ang  Miss World qualities, “Makikita mo talaga sa face nila na pang-Miss World talaga ‘yung beauty, how they walk [at ang] stance nila. You can really see who shines the most [at] makikita mo talaga ‘yung pinakanagsta-stand out talaga with poise.”

Nagbigay pa siya ng payo sa girls, “I’m just hoping na they do their best, [and] enjoy the moment because this only happens once in a lifetime and it’s Miss World.”