Showbiz News

Did Batangas rep. Vilma Santos-Recto vote to give CHR a P1,000 budget for 2018?

By Aedrianne Acar

Maraming netizens ang nabahala nang kumalat sa social media ang balita na bumoto pabor sa PHP 1,000 budget para sa Commission on Human Rights (CHR) si Batangas representative at award-winning actress Vilma Santos-Recto.

READ: House members who voted against CHR’s P1,000 budget for 2018

Ayon sa mga netizens, isang account ang nag-tweet na diumano'y kasama sa 119 congressmen at congresswomen si Vilma Santos-Recto na nag-apruba sa kakarampot na budget para sa komisyon.

Agad na nilinaw ng Kapamilya talent na si Luis Manzano na walang katotohanan ang balita dahil una, wala sa House of Representatives ang kaniyang ina dahil may sakit ito.

Inilabas din niya sa Twitter ang official stand ng kaniyang ina patungkol sa isyu.

Gusto rin ipaalam ni Luis sa publiko na fake Twitter account ang @vilmaSRecto.