Showbiz News

EXCLUSIVE: Dingdong Dantes, excited na makasama sa primetime block si Marian Rivera

By Michelle Caligan

Simula Lunes, September 18, mapapanood na ang pinakabagong primetime series na Super Ma'am na pangungunahan ni Kapuso Primetime Queen Marian Rivera.

WATCH: Simula na ng klase ni 'Super Ma'am' ngayong Lunes sa GMA Telebabad! 

Dahil nasa Telebabad block din ang Alyas Robin Hood, looking forward si Dingdong Dantes na makasama ang kanyang asawa.

"It's been a while na nakita ko siya sa TV and I'm happy na magbabalik siya ngayon. This time it's much better dahil magkasama pa kami sa block," kuwento niya in an exclusive interview with GMANetwork.com.

Dagdag pa niya, "I'm sure kung na-miss siya ng mga manonood on screen, ganun din ako."

Huling napanood si Marian bilang Ynang Reyna Mine-a sa requel ng iconic telefantasya na Encantadia, kung saan nakasama rin niya si Dingdong na gumanap bilang Raquim.