Showbiz News

WATCH: Carla Abellana, break muna sa acting para tutukan ang personal life

By Gia Allana Soriano

Pagkatapos ng kanyang GMA telebabad drama na I Heart Davao, mukhang break muna si Carla Abellana para mag-focus sa kanyang pamilya, negosyo at sa kanyang nobyong si Tom Rodriguez.


Mas tutok daw ang aktres sa pamilya lalo na at nagkaroon ng small accident ang kanyang lola pagkatapos madulas, ngunit recovering naman daw. Aniya, "Nagkaroon siya ng cut dito sa may bandang forehead. Buti na lang walang complications, walang masamang nangyari aside from the cut."

Nagkuwento rin ang aktres tungkol sa kanyang business sa Makati at upcoming nail salon. Hands-on daw talaga si Carla sa kanyang mga negosyo. 

Ika niya, "I oversee everything, kahit 'yung financials. Mano-mano. Minsan ako pa nagco-compute just to double check. Kailangan regularly kausap ko 'yung mga tao, so tutok talaga."

Panoorin ang report ni Aubrey Carampel sa 24 Oras:

Video courtesy of GMA News