TV

Tom Rodriguez at Carla Abellana, break muna sa 'Mulawin VS Ravena' para sa kanilang reunion project ang 'I Heart Davao'

By Gia Allana Soriano

 

 

Reunion project nina Tom Rodriguez at Carla Abellana ang I Heart Davao, ang unang project na pagbibidahan nila muli after two years. Ang huling proyekto ng dalawa ay ang tv series na My Destiny, directed by Binibining Joyce Bernal.

Ani Tom, masaya siya na back-to-back ang naging project nila ni Carla this year. Una ay sa Mulawin VS Ravena bilang Rodrigo at Aviona, at ngayon naman ay sa upcoming serye na I Heart Davao bilang Ponce at Hope.

Ika ng aktor, "Ang tagal namin naghintay. So, ang saya na direcho, dalawang [shows agad], so parati ko siyang nakikita sa trabaho."

Dagdag naman ni Carla na ginawa rin nila ito para sa mga avid fans nila na matagal na naghihintay. Paliwanag niya, "Kasi, para rin naman talaga sa kanila [sa fans], eh. Kasi matagal na sila naghihintay. Madalas na nagre-request ng reunion project, so sa wakas mapapanood na nila ang TomCar after two years."

Pero babalik pa ba si Carla at Tom sa Mulawin VS Ravena, magsasabay ba ang appearance nila sa fantaserye ng GMA at sa I Heart Davao?

Ika ni Carla, "Sa ngayon hindi [pa babalik 'yung karakter ko sa Mulawin VS Ravena habang may I Heart Davao]. Kasi 'yung karakter ko nag-exit na the other day. So, si Aviona napagsarhan na ng gates ng Avila. Pero nangako naman siya sa anak niyang si Anya (Bea Binene) na babalikan niya ang anak niya, hindi naman puwedeng hindi. So, mawawala lang saglit si Aviona, pero babalik din si Aviona."


Ang karakter naman daw ni Tom na si Rodrigo ay mukhang malabo ang pagbabalik dahil sa fatal death nito.


Abangan ang TomCar sa I Heart Davao ngayong June 26 na!