Showbiz News

BIGBANG member Taeyang, kinanta ang 'Fantastic Baby' sa kanyang solo concert sa Pilipinas

By Gia Allana Soriano

Dinagsa ng fans ang solo concert ng isa sa members ng BIGBANG na si Taeyang. Ginanap ang Manila leg ng kanyang White Night World Tour sa Smart Araneta Coliseum.

 

Dito ay kinanta ni Taeyang ang kanyang hit songs kabilang ang "Wedding Dress," "I Need A Girl," Eyes, Nose, Lips," at "Ringa Linga." At kahit hindi niya kasama ang kanyang fellow members na sina G-Dragon, T.O.P., Daesung, at Seungri, pinerform pa rin niya ang mga kanta ng grupo tulad ng "Last Dance," at ang sumikat sa Pilipinas na "Fantastic Baby." Kadalasan ay maririnig ang kantang "Fantastic Baby" sa noontime variety show na Eat Bulaga noong nakaraang taon.

 

 

Nagpasalamat din si Taeyang sa kanyang Manila fans via Instagram. Aniya, "Thank you, Manila!! Last night was LIT!!"

Panoorin ang full report ni Cata Tibayan:

Video from GMA News