Showbiz News

'I am more than happy to be the Bianca Umali of Miguel Tanfelix' - Bianca Umali

By Gia Allana Soriano

Kakatapos lang ng birthday ni Miguel Tanfelix last September 21. Sa kanyang birthday celebration with his fans and with his ka-love team na si Bianca Umali, nagbigay ng mensahe ang kanyang leading lady.

Aniya, "Happy happy birthday. God bless you, and I am more than happy to be the Bianca Umali of Miguel Tanfelix."

Ano naman kaya ang regalo sa kanya ni Bianca?

Ika ng aktres, "Binigyan ko siya ng shoes, 'pag nag-gi-gift ako gusto ko 'yung magagamit talaga. Hindi 'yung isang beses lang magagamit. Kaya shoes ibinigay ko kasi alam ko magagamit niya palagi."

After Mulawin VS Ravena ay may project agad ang dalawa, isang pelikula kung saan makakasama nila sina Paolo Ballesteros at Joey de Leon.

Ika ni Miguel, "Kapag pinanood niya 'yung movie, magiginhawaan kayo, magiging masaya kayo, comedy siya."

Panoorin ang full report ni Cata Tibayan sa '24 Oras':

Video courtesy of GMA News