Showbiz News

Bakit Alas Joaquin ang pinangalan ni Kylie Padilla sa kanyang anak?

By Gia Allana Soriano

Naikuwento ni Kylie ang origin ng pangalan ng kanyang unico hijo na si baby Alas Joaquin. Aniya, "Si AJ [Aljur Abrenica,] ever since he was a kid ang gusto niyang pangalan ay Alas. 'Yung Joaquin, matagal ko nang gusto 'yung pangalan na 'yun. Wala lang, gusto ko lang siya."

 

Very hands-on mom din naman daw si Kylie, pero hindi niya pa rin nakakalimutan na i-pursue ang kanyang passions kahit mommy na siya. Paliwanag niya, "I believe in sacrifices as a mom. Talagang we give our bodies, 'di ba? Pero I believe rin [na] don't let your passion die. Because your kid will see that na pag hindi ka masaya. So, gawin mo your best to balance po."

 

Nangangahulugan bang babalik na siya sa showbiz soon? Panoorin ang buong report ni Cata Tibayan:

Video from GMA News