Showbiz News

READ: Ken Chan may pa-birthday gift para sa yumaong German 'Kuya Germs' Moreno

By Aedrianne Acar

Hindi makakalimutan ng Kapuso leading man na si Ken Chan ang nagawa ng yumaong starmaker na si German “Kuya Germs” Moreno para sa kaniyang career.

READ: Manilyn Reynes pays tribute to late German "Kuya Germs" Moreno on his birthday

Kaya ganun na lamang ang pagtanaw ng utang na loob ni Ken na inaalay ang first movie niya na This Time I’ll Be Sweeter sa tinuturing niyang pangalawang ama.

Sa Instagram post ni Ken ngayong Miyerkules, sinabi niya na pa-birthday gift niya kay Kuya Germs ang pelikula nila ni Barbie Forteza.

“Tatay may movie na ako! hehe Pangarap lang natin to diba? Sinabi mo sa akin noon balang araw magkakapelikula ako, ito na yun Tay'.Miss na kita...miss na miss.Itong movie nato ay birthday gift ko sayo Tay' sana nagustuhan mo.Ikaw nang bahala sa amin ni Barang @barbaraforteza ah? Happy Birthday Master! Mahal na mahal kita.”

Sobrang proud naman ang former co-star ni Ken Chan sa Meant To Be na si Ms. Tina Paner sa movie project ng guwapong actor at sinabi nito na tiyak manonood ang tinaguriang Master Showman ng pelikula niya kung nabubuhay  pa ito.