Showbiz News

WATCH: 90s heartthrob Michael Flores, umaming nabawasan ang roles matapos makalbo

By Marah Ruiz

Sumikat si Michael Flores noong 90s bilang bahagi ng dance group na Manouvers at bilang bahagi ng ensemble cast ng hit teen-oriented show na T.G.I.S.

Sementado ang kanyang heartthrob status dahil sa kanyang mestizo looks at husay niya sa pagsayaw. 

Tuloy-tuloy din ang kanyang trabaho lalo sa telebisyon dahil nang matapos ang run ng T.G.I.S., napabilang naman siya sa mga programang Growing Up at Pintados.

Nagbago lang daw ito nang masira ang kanyang buhok matapos ang maraming mga hair treatments noon. Kasabay ng pagkawala ng kanyang signature floppy hairstyle, naging limitado din ang mga roles na naibibigay sa kanya. 

"Before kasi 'pag bald ka it's either komedyante ka or rapist ka. 'Yung mga ganun ang roles na ibibigay sa 'yo. Nahirapan ako," kuwento niya. 

Hindi naman niya ito hinayaang makaapekto sa kanyang career. 

Naging bahagi pa siya ng hit GMA Telebabad series na Because of You noong 2015. Nasundan pa ito ng isa pang role sa Alyas Robin Hood kung saan ginanapan niya ang isa sa mga karakter na lubos na tumatak sa kanya. 

"Proud ako sa show na 'yun kasi talagang 'yung Llama character na 'yun, 'yan ang pinaka tumatak sa tao. Hindi ko ine-expect na [magugustuhan] yung pasundut-sundot ko na comedy. Hanggang sa nag-decide na kami nina direk Dom [Zapata] na gawin mo nang comedy," pagbabahagi niya. 

Panoorin ang panayam ni Rhea Santos kay Michael sa Tunay Na Buhay