Showbiz News

Pelikula ni Mikoy Morales na '4 Days,' magkakaroon na ng commercial release

By Felix Ilaya

 

 

Masayang-masaya ang cast and crew ng gay-themed indie film na '4 Days' dahil magkakaroon na ito ng commercial release. Last October 11, nagsagawa ng pocket presscon and preview sina Direk Adolf Alix, Mikoy Morales, at Sebastian Castro sa UP Cine Adarna upang i-promote ito.

Ayon sa interview ng press kay Mikoy, inamin nito na magkahalong kaba at saya ang kaniyang nararamdaman dahil sa screening ng '4 Days.'

Aniya, "Honestly, I'm still scared but excited at the same time kasi we're really proud of this project and baby talaga namin 'to. We had a few screenings before pero iilan lang naman. This time, makikita na siya ng mas maraming tao. Mamahalin ba nila kung gaano namin kamahal 'yung ginawa namin? So medyo 'di ko alam kung ano ang ie-expect ko."

Ngunit alam n'yo ba na maliban sa pagiging isa sa mga lead actors ng pelikula, nagsilbing film scorer o tagalapat ng music si Mikoy ng kanilang indie film?

"Sobrang 'yung factor na iyon made this project even more special kasi first single ko 'to ('Pusong Hindi Makatulog') tapos nagamit siya sa movie plus it's my first full score sa film. Noong una, natutuwa lang ako pero 'nung tumagal na, doon lang nag-sink in na pinagkatiwalaan ako ni Direk Adolf. Pinaarte na niya ako ng lead role tapos pinagawa niya pa sa'kin 'yung music. Naging turning point siya sa sarili ko kasi wala pang naniwala sa'kin ng ganoon kasobra," kuwento niya. 

Puring-puri rin naman si Sebastian Castro sa kaniyang co-star na si Mikoy.

Ayon kay Sebastian, "I think there's a lot you can take from every actor but with Mikoy, I definitely enjoyed [working with him]. He had for example, some exercises that we did before certain scenes which for me was a first time an actor did that but [it] helped me get more comfortable in a particular scene. There's a lot you can learn from the people you work with and I enjoyed that."

As of writing, umabot na ng mahigit 500 thousand views at 4,000 shares ang trailer nito sa social media. Panoorin ang commercial trailer nito below: 

 

Ang '4 Days' ay magkakaroon ng screening this October 18 sa Greenbelt 1 and Trinoma.