Showbiz News

LOOK: Former 'Sunday All Stars' cast reunite for Wyn Marquez's send-off party

By Michelle Caligan

Nitong November na ang Reina Hispanoamericana 2017 pageant na sasalihan ni Kapuso actress Wyn Marquez.

WATCH: Wyn Marquez, ipinakilala ang sarili sa maikling video para sa Reina Hispanoamericana 2017 pageant

Sa Bolivia gaganapin ang naturang kompetisyon, kaya nagsilbing send-off party ang reunion ng barkada ni Wyn sa Sunday All Stars na 'Tikis.'


Muling nagkita-kita sina Wyn, Rocco Nacino, Mark Herras, Sef Cadayona, Aicelle Santos, Rodjun Cruz, Steven Silva, Enzo Pineda, Mayton Eugenio, Kris Lawrence at JayR.


Kasama rin sa get-together ang boyfriend ni Aicelle na si Mark Zambrano at boyfriend ni Mayton na si DJ Marvelous.