Showbiz News

Regine Velasquez, todo suporta sa first single ni Nar Cabico na 'Gaga'

By Felix Ilaya

Ini-launch na ni Nar Cabico ang kaniyang first single na "Gaga" last October 12 at bumuhos ang suporta mula sa showbiz friends niya.

Isa sa mga proud na proud para kay Nar ay walang iba kung hindi si Asia's Songbird Regine Velasquez na nag-congratulate pa kay Nar sa Instagram.

 

Masaya naman ang Kapuso singer sa mensahe ni Ate Reg at nag-comment din si Nar sa post.

 

 

Maliban kay Regine, proud din si Jennylyn Mercado para kay Nar lalo na't siya ang nag-produce ng single upang maipadinig ang talento ng kaniyang bessy.

 

 

Ilan pa sa showbiz friends ni Nar na nagpaabot ng pagbati ay sina Dennis Trillo, Lovi Poe, Benjamin Alves, Aicelle Santos, Jerald Napoles, at Alessandra de Rossi.