Showbiz News

Single ni Nar Cabico na 'Gaga,' first spot sa local charts ng isang music streaming service

By Felix Ilaya

Tila naga-"gaga" na ang Kapuso singer na si Nar Cabico dahil sa samu't-saring papuri at sa magandang pagtanggap sa kaniyang first single na "Gaga."

Kamakailan lang ay umabot ang "Gaga" sa iTunes Philippines Top Songs list, pagkatapos ay pinuri ng idolo ni Nar na si Regine Velasquez ang kaniyang composition.

Ngayon naman ay number one ang single ni Nar sa Philippines Viral 50 ng music streaming service na Spotify.

 

Marami namang friends, followers, and fans ang bumati sa Instagram post ni Nar para sa kaniyang success.

 

Congratulations, Nar!