Showbiz News

READ: Donna Cruz's heartfelt message to Regine Velasquez-Alacasid after 'DoReMi's reunion on stage

By Al Kendrick Noguera

Isa sa mga sorpresa ni Asia's Songbird Regine Velasquez-Alcasid sa kanyang anniversary concert ay ang reunion ng DoReMi, ang grupo niya kasama ang mga kapwa aktres at singer na sina Donna Cruz at Mikee Cojuangco.

Sumikat ang grupo dahil sa kanilang pelikulang 'Do Re Mi' noong '90s kung saan pinasikat nina Donna, Regine at Mikee ang kantang "I Can." Ang iconic song ding ito ang kanilang inawit sa R3.0 concert ng Kapuso star kasama ang kanyang anak na si Nate Alcasid.

WATCH: Nate Alcasid sings "I Can" with DoReMi

Matapos ang kanilang on-stage reunion at matagumpay na two-day concert ni Regine, isang mensahe ang ibinahagi ni Donna para sa kanyang kaibigan.

"I look up to you as a true artist and just as an amazing person and extraordinary human being, confident yet super humble, totoo at walang ka-ere-ere! Congratulations, Reg! Sobrang galing mo! Ilang beses kami napa "wow," "grabe," "woah," "wooh" ni Belle plus mega goosebumps, hugot at kilig na pakiramdam sa pagkanta mo. You truly are inspirational! Mas lalo mo pa kaming napahanga sa husay at sinseridad na ipinakita mo sa R3.0 concert mo! So proud of you! Thank you rin sa chance na naibigay [mo] sa 'min ni Mikes (Mikee) sa concert mo na magkasama ulit tayo and this time kasama pa si Nate (congrats, Nate!) na super sweet ng voice kaya mas naging special pa para sa lahat ang song natin! Na-miss ko kayo sobra! Love you," saad ni Donna sa kanyang Instagram.

 

READ: Mikee Cojuangco, emotional after 'DoReMi' reunion