Showbiz News

WATCH: Singers from different networks do a birit showdown in Regine Velasquez-Alcasid's anniversary concert

By Marah Ruiz

Nagsama-sama ang mga tinaguriang birit queens mula sa dalawang malaking network para sa isang espesyal na number sa R3.0, ang anniversary concert ni Asia's Songbird Regine Velasquez-Alcasid. 

Binuksan nina Angeline Quinto, Julie Anne San Jose, Aicelle Santos, Jona at Morissette Amon ang kanilang special stage sa pag-awit ng "In Your Eyes."

Matapos nito, isa-isa silang nakipag-duet kay Regine. Kabilang sa mga kinanta nila ang "On The Wings Of Love," "Shine," "Say That You Love Me," "I Don't Want To Miss A Thing" at "Sometime, Somewhere. "

Muli naman nilang inawit ang "In Your Eyes" kasama ang kanilang pinakamamahal na Ate Reg bilang pagtatapos.

Panoorin ang kanilang performance mula sa R3.0, na ginanap noong Oktubre 21 at 22 sa SM Mall of Asia Arena.

 

YouTube video courtesy of Viva Ent