Showbiz News

WATCH: 'Ika-6 Na Utos' stunt director Baldo Marro, pumanaw dahil sa butas sa bituka

By Bea Rodriguez

Pumanaw noong Sabado (October 21) ng gabi sa edad na 69 ang beteranong aktor at stunt director na si Baldo Marro.

Ayon sa report ni Cata Tibayan sa Balitanghali, sinabi raw ng anak ni Baldo na si Monching na na-ospital ang kanyang ama dahil sa dengue. Umayos naman ang kalagayan ng aktor hanggang sa siya ay nagsuka ng dugo. Napag-alaman ng mga doktor sa intensive care unit ng ospital na may butas ang kanyang bituka.

Madamdamin naman ang post ni Ika-6 Na Utos star Sunshine Dizon sa yumaong stunt director na siyang nasa likod ng fight scenes ng aktres sa country’s highest-rating daytime drama.