Showbiz News

WATCH: Sanya Lopez at Kim Domingo, mas bongga pa raw ang pasabog sa susunod nilang underwear fashion show

By Gia Allana Soriano

Super sexy sina Sanya Lopez at Kim Domingo sa patikim sa upcoming grand underwear fashion show nila na gaganapin sa November 18 sa Mall of Asia Arena para sa higanteng clothing company na Bench.

Nagpasilip ng kaseksihan ang dalawang Kapuso actress sa press preview ng nasabing event.


Ika ni Kim, "Ako, medyo kinakabahan ako." 


Dagdag naman ni Sanya, "Ako din, kinakabahan din ako. Kasi first time ko ito, eh. So, parang, I'm very happy, and at the same time nandun 'yung pressure."

Dapat din daw abangan ang fashion show nila sa Nobyembre. Paliwanag ni Kim, "Siyempre, unang una 'yung magiging look namin doon sa show. Siyempre, mas pasabag 'yun."

Nagpe-prepare naman daw nang todo ang dalawa para rito. Ani Sanya, "More diet pa."

Panoorin ang report ni Lhar Santiago sa 24 Oras:

Video courtesy of GMA News